Limutin Man Kita, Ngunit Poem by Kc Cabauatan

Limutin Man Kita, Ngunit

maari bang kalimutin,
na tayo'y naging tayo, minsan?
kailangan pa bang kwentahin
kung ilang batya na ang napuno
ng mga luhang lumagas
mula sa ating mga mata?
nawa, tumahan na sa pagtaghoy
ang mga puso natin sa isa't-isa
kung kelan uhaw ang mga ito
ng pag-ibig ng iba.

ngunit...

pinipilit ko mang limutin
mga masasarap nating ala-ala,
nakatatak pa rin sa puso ko,
pangalan mo, wangis mo;
ikaw ay nakaburda sa pinakalamnan,
at burahin ka, o kayahirap magawa.

bakit...

lasap ko pa rin
ang mga matatamis mong mga halik?
mga labi mo, ramdam pa rin ng mga labi ko.
kahit mga bisig ko, ay niyayakap ng iba,
mga yakap mo pa rin ay aking nadarama.

subalit...

puso ko ngayon, pagmamay-ari na
ng iba;
minamahal ko siya, ngunit mas mahal
pa rin kita.
nawa naging bato na lang ako,
para madali ka ng mabura.
sasabihin ko na lang, kalimutan na lang kita..
ngunit, sa loob ng diwa ko,
mahal na mahal pa rin kita.

Wednesday, July 26, 2017
Topic(s) of this poem: love lost,separation
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success