Luha Ng Nakaraan Poem by Berlyn E.

Luha Ng Nakaraan

Ang hapdi bumabalik na parang kahapon lamang
Tinatalo ang mga panahong pilit kang kinalimutan
Sakit at kirot nananalaytay sa buong katawan
Dulot ng makasariling pag-ibig na sa dilim nang-iwan

Sarili'y pilit pinaalpas sa bangungut ng nakaraan
Mawala ang mga alaalang sa gabi nang gigising
Mga luha sa mata'y pinapatuyo ng aral na natutunan
Malambot na puso pinatigas ng walang makapitan

Sa paglipas ng panahon, tadhana'y naging mapagbiro
Patuloy na pinaglaruan sa mga panahon at pagkakataon
Mga taon na pinagsikapang makalimot naglaho
Pag aalpas kahit anong tatag hindi napigilan

Sa muling pagharap puso't utak gustong kumaripas
Damdamin matagal nang binaon sa limot nag-umalpas
Pait, , pangungulila at sakit biglang naglaho lahat
Dahil dito ang pangalawang pagkakataon ba maging sapat?

Friday, July 21, 2017
Topic(s) of this poem: love,moving on,pain,revival
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success