Maaari Ba Kitang Kalimutan? Poem by Rey Benipayo

Maaari Ba Kitang Kalimutan?

Ngayong gabi,
Heto na naman ako
Mag-isa sa isang sulok
Nagmumukmuk at sobrang lungkot
Parang bang katapusan na ng mundo

Maaari ba kitang kalimutan?
Dahil hindi ko na kaya
Ang sakit na nararamdaman
Halos di na makahinga
Sa sobrang hapdi ng puso

Ngayong wala ka na
Di ko alam ang gagawin
Di ko kayang mabuhay
Dahil mahirap tangapin ang katotohanan
Na wala na tayo at di na magiging tayo

Paano na ako ngayon?
Paano ako muling sasaya
Kung ang puso ko ay ikaw ang hanap
Ikaw pa rin ang tinitibok
At ikaw ang tawag ng dadamdamin

Maaari ba kitang kalimutan?
Dahil di ko maintindihan
Ang nararamdaman kong ito
Sobrang hirap sa pakiramdam
Ang sakit sakit!

Maaari ba kitang kalimutan
Kahit ayaw pa nitong puso ko
Na natatakot maghanap ng iba
Natatakot mapalaya ang sakit
Pati na ang utak ko
Na ikaw pa din ang laman

Maaari ba?
Dahil napapagod na ako
Paano?
Hangangang kailan?

Monday, July 22, 2019
Topic(s) of this poem: heartbreak,pain
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success