Ulanin man handa akong maging kubong pahingahan mo
Kahit hanggang sa tumila lamang ang ulan at makapunta ka sa paroroonan mo
Hindi man sa akin ang punta mo
Ayos lang sapagkat masaya ka naman sa patutunguhan mo
Andito lang ako mag aantay sa pag babalik mo
Kahit anong oras pa ng pag tila ng ulan na ito.
Di man ako ang iyong paborito
Iwan mo man ako rito
Patuloy paring mananatili sa aking pwesto
Iintayin ang pag babalik mo...
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem