Malaya Na Nga Ba Akong Maituring? Poem by DL Mondays

Malaya Na Nga Ba Akong Maituring?

Malaya na nga ba akong maituring?
Kung walang kadenang sa aki’y sumusupil.
Walang mga rehas sa aking paligid.
O cedulang papel na sa aki’y nagtatali.

Malaya na nga ba akong matuturing?
Kung sa aking puso’y kalis nakaligid.
Lumipad ba sa aki’y wala nang pag-asa.
Sakit at dusa’y walang tigil rumagasa.

Parang pakpak ng ibong sinugatan
Upang lumipad ay ‘di na makayanan.
Kayaan nga ba’y wala nang pag-asa
Sa aking kulungang hindi ko nakikita.


Puso, Lipad patuloy na lumaban
Patuloy lumakad upang makamtan iyong kalayaan.
Tumigil at sumoko’y hindi mo kailangan.
Kalayaan! Kalayaan! Iyo nang mahahawakan!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success