Manikin Poem by jose de claro

Manikin

(jose_de_claro)
30may’07/2: 21pm

Oh naman, ginugulo mo ang utak ko.
Nauubos ang oras kakaisip lang sayo.
Mga baga’y di magawa ng husto,
Pano kasi pag wala ka’y ang tanga-tanga ko.

Maghapong tulala at nababalisa,
Lumilipad ang isip ko at nakatunganga.
Di ko malaman kung anong dapat gagawin,
Ba’t ba ang tulad mo’y kailangan pang isipin.?

Alam ko namang ika’y di magiging akin,
Ang 'sangkatulad mo’y malayong bituin.
Ang magagawa ko lang eh hanggang sa tingin,
Gustuhin ko ma’y di kita kayang abutin.

Hanggang tingin na lang, marahil ganon na nga.
Di na aasa pang ako’y may mahihita.
Sa dinami-dami ng umaali-aligid sayo,
Talagang imposibleng ako’y mapansin mo.

Seguro, ganito na lang, dina magbabago,
Laging umaasa na sana’y mapansin mo.
Kahit koting pagtingin ay sapat na sakin,
Lumingon ka naman…mamahaling manikin.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success