Maraming salamat sa iyo...
dati pa akong naguguluhan
parating naiisip kung ako nga
ba'y iyong totoong mahal...
sa matagal na panahon
ang puso ko nga ay litong-lito
dahil sasabihin mo, ako'y iyong mahal,
kinabukasan, iba na ang susuyuin mo
nakaraang isang linggo kausap mo ako
pinagpilitan mo, ako nga'y mahal mo
ako naman ay tangang tuwang-tuwa
sa iyong mga sinabi sa telepono...
makalipas ilang araw sumulat ka
ng madaming tula na nagsasabi:
hirap na hirap kalooban mo,
na sya'y wala na sa mundong ito..
masakit man sa damdamin habang
binabasa ko ang iyong mga tula,
lahat ng sulat mo'y puno ng pighati
sa dibdib mo ay malaking kawalan,
sayo'y naiwan, sa kanyang paglisan
mga alala nya may maglaho.
ngunit ang sakit sa puso mo'y maiiwan.
sabi mo, ay hindi man pinakikita
ngunit ang iyong puso ay nagdudusa
kaya't dinala mo na lamang sya sa langit
at ginawang bituin na sasambahin..
sa isip mo'y parati siyang andyan
sa bawat lakad mo at mga layunin,
upang sya'y parating sayo nakabantay
sya pala ang tinuturing mong gabay
sa mundong ito, sa iyong buhay
sya pala ang iyong gabay...
ngayon, ay alam na alam ko na,
kung ano posisyon ko sa puso mo
hindi na ako naguguluhan...
alam ko na ang katotohanan.
MAHAL NA MAHAL KITA
ngunit matinding pag ibig ko sayo,
ay hindi ko na ipagpipilitan...
damdamin mo sa kanya'y
sadyang hindi mo mapigilan
kahit na mabasa ko at masaktan...
salamat sa mga tulang sinulat mo
kahit napakasakit na katotohanan
ngunit ako ngayon ay naliwanagan
maraming salamat sa iyong mga tula
nasabi mo laman ng iyong kalooban
ngayon ay alam ko na talaga lahat
sa iyong sinulat na tula para sa kanya
maraming salamat sa iyong mga tula
ako ngayon, ay tunay naliwanagan na..
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem