Mishel Baylen


Meteor Friendship - Poem by Mishel Baylen

Iba-iba ang pinanggalingan
Pinagsama ng kapalaran
Magkaiba man ng pinaniniwalaan
Ngunit nagkakaintindihan

May kanya-kanyang pagkatao
Na magpapatuwa sa iyo
Heto’t isa-isahin ko
Nang sila’y makilala ninyo

Nakakainspire ang kwento nya sa buhay
Pag tinulungan mo’y, talagang may ibibigay
Kapag pinagsabihan ka’y dapat ka nang masanay
Sapagkat si Zarah Mie ang aming nagsisilbing nanay

Bulldog kung siya’y aming tawagin
Emotional kaya dapat mong mahalin
Mabuting kasama at nakakatuwa rin
Mahrs may katawang baliktarin ang patpatin

Heto naman ang magandang si Jed
“feeling” tingnan dahil liberated
Basta’t gwapo at may pera ay walang basted
Pero pag nakilala mo ay isang tunay na friend

Sexy lady with a pretty brown eyes ito
Height palang ay walang makakatalo
Kung mainlove ay todo-todo
Siya’y si Mona ang mestisa ng grupo

Si Carmel naman ang VJ ng barkada
Magaling sa klase kaya’t ika’y mapapahanga
Babaeng sobrang adik sa musika
Hindi nagpapatalo dahil palaban talaga

Si Nervi na sa gitara’y magaling at mahilig
Hindi maintindihan kung saan umiibig
Immature man ay marunong nang umibig
Handang ibigay ano man ang ‘yong ibig

Ang cartoonist na si Ella ay may tinatagong kagandahan
Simple manamit at medyo boyish tingnan
Sweet, smart at caring na kaibigan
Pag may problema handa ka n’yang tulungan

Pangiti-ngiti at tahimik lamang siya
Si Jenevie na mabait at matalino pa
Mga sekreto mo’y sabihin mo la ng sa kanya
Mapagkakatiwalaan at walang magiging problema

Eto naman si Japhet na kwela at masayahin
Makwento at kahit anong gagawin
Ano man, talagang siya’y may mapapansin
Magaling sumayaw kaya‘t maipagmamalaki mo rin

Kung crush ang pag-uusapan siya’y marami
Pero sarili nya’y halos ayaw ipagmalaki
Si Lady Mae na parang kalog kapag nawili
Creative, matalino at mala-Mariel R. ang beauty

Meow ang tawag ko sapagkat siya’y si Kath
Magandang babae at hindi mukhang cat
Patagong umiibig para di mahalata ng lahat
Family-oriented at may talent sa math

Talagang masaya kapag sya’y inyong kasama
Kunting joke lang nya ika’y mapapatawa
Magaling magpayo at boses ay maganda
Iyan si Ana Rose, marunong makisama

Ang poet daw na si Mishel ang sumulat nito
Sweet but Sassy ang girl na’to
Adjustable ang personality sa iba’t-ibang tao
Ika’y treasured ‘pag friends kayo

Kami ang bumubuo ng samahang nailahad
Bonding namin ay walang katulad
Tanggap ang bawat isa good man or bad
Hindi malilimutan experiences that we had

Nakakalungkot lang isiping isa-isa’y nawawala
Dahan-dahang nakukulangan ang barkadang sa Meteors Dorm nagsimula
Magkalayo man ang daang tatahakin ng bawat isa
Wish kong magtatagpo at pagkakaibiga’y di mawawala

-for the Hot and Cool Eggz members...of Meteors


Comments about Meteor Friendship by Mishel Baylen

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, September 1, 2010



[Report Error]