Sa bawat panahon na tayo'y nagkasama
Lubos akong pinagpapala
sa iyong pagmamahal na dakila
na sa aki'y ipinapakita simula noong una
Ang pag-ibig mo'y hiwaga
di matutumbasan ng pera
sapagkat para sa iyo, ito'y kusa
walang hinihinging kapalit ni isa
hindi ko man lubusang natumbasan
ang iyong pagmamahal na walang hanggan
ang pag-aaruga ko sayo'y kulang
hindi pa sapat, may kakulangan
mahal kong lola sa iyong paglisan
ako'y ubod ng panghihinayang,
puso'y puno ng kapighatian
LUHA sa mata'y di mapipigilan
ngayo'y tinahak mo ang ibang landas
sa piling ng Amang lumikha
nais ko lamang ipakawala
ang damdamin na sa aki'y gumagapos
na ika'y minahamal kong lubos
sapagkat di lang kita lola
kundi ang INa na saki'y nag-aruga
niyakap ako nang buong kusa
balde balde mang luha ang umagos sa mata
magagandang salita may ipakawala
sa puso ko ika'y nag-iisa
lubos akong nagpapasalamat sayo, Lola
minamahal kita, paalam na!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem