Misteryosa Poem by jose de claro

Misteryosa

(jose_de_claro)
12May’07


Ang oras ay alas dose,
Malalim na itong gabi.
Natutulog na ang mundo,
Habang ako’y naandito.

Hanep sa porma’t dating,
Naka leather jacket, actions star ang feeling.
Humaharurot, hinahabol ang hangin,
Nang sa likuran ko’y may kung sinong dumating.

Karerahan sa ilalim ng b’wan,
Nag hahabulan pa’t nag uunahan.
Ikaw ba’y si Eva at ako si Adan?
Pwede bang malaman ang iyong pangalan?

Sino ka bang talaga?
Oh misteryosang dalaga.
Sabihin sa’kin natatago mong lihim.
Puso mo’y papaano maaangkin?

Hayop sya! Subra sa astig!
Ang kagandahan nya’y napakalupit.
Hugis ng katawan, ani mo’y kuan.
Di ko mapigilan ang sa kanya’y makipagtitigan.

Tila ba isang hipnotismo,
Biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo.
Ito’y sa pagitan naming dal’wa,
Sya lang at ako wala nang iba.

Ngayong gabi atin ang mundo.
Samantalahin mo’t umiikot ang relo.
Aking hiling ay ibinulong sa hangin,
Kung panaginip lang ’to, wagna sanang magising.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success