Munting Paraiso Poem by Marites C. Cayetano

Munting Paraiso

Munting paraiso,
puno ng halakhak
ng mga munting anghel
sa harding kinulayan
ng iba't-ibang kulay
ng mga bukaklak.

Sa gabi'y
ang harana ng ama
sa kanyang gitara,
habang sa mainit
na dibdib ng ina'y
mga munting hilik
ng mga munting anghel.

Munting paraiso,
kailan nga ba huling
nasilayan? ....

Nang ang baya'y sinakop
ng kahirapan
harana ng ama'y
hindi na narinig,
at kasama ng inang
hapo din ang katawan
mga bibig ay nakanganga
sa kanilang pagtulog,
habang ang kanilang
dating mga munting anghel
ay sa lansangan
pagala-gala.

Munting paraiso,
aah, munting paraiso
minsan pa, nais kitang
masilayan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success