Naghahanap Ng Wala Poem by Hazelyn Usop

Naghahanap Ng Wala

Ako’y nalulumbay sa taglay kong buhay
Walang kasuyo na nagbibigay kulay
Sa mundo kong tila walang saysay
Kaya’t nangangarap ng pag-ibig na tunay

Sa sulat sinubukan kong maghanap
Pangalang aking pinapangarap
Galing sa malayong lugar aking nakaharap
Kasulatan kong kabaliktaran ng aking hinahangad

Ako’y nakipag sapalaran sa telepono
Sa boses niya ako’y agad napaamo
Anong saya ko ng siya’y magpadala ng litrato
Hanggang natuklasan kong ang nasa litrato ay ang kanyang amo

Pati cellphone ay aking sinubukan
Pinalathala sa dyaryo numero ko’t pangalan
Kay dami ng tao sa numero ko’y nakaalam
Subalit walang isa man ang nagkainteres na ako’y Itext o tawagan

Hindi ako pahuhuli sa makabagong uso
Sa internet nakakilala ng
maraming kasuyo
Ngunit nang isa-isahin kong makipagtagpo
Kung hindi may kasintahan ay may asawa na ito

O diyos ko! Anong aking gagawin?
Ako sana’y kaawaan at dinggin ang dalangin
Pagpalain sanang makahanap ng makakapiling
Nasa habang buhay aking mamahalin

Biglang naalala taong nang aagaw ng sulat
Kung ako’y nagbabasa
Madalas mangumusta sa telepono
Kahit winawalang bahala
Kasama ko sa pagbili ng cellphone sa Victoria
Siya rin ang nagturo sa aking mag chat sa
Internet café nila

Tama ka’y tagal kong naging tanga
Sa paghahanap ng wala
Gayong ang aking pinaka aasam
Ay kapiling ko matagal

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success