Naghihintay, Nagaabang Poem by Judea Mae Espanola

Naghihintay, Nagaabang



Naghihintay, nagaabang, sa taong ito,
Sa taong mamahalin nitong puso ko.
Naghihintay, nagaabang, ngunit sabi ng utak ko,
Pumili na lang ng taong nasa paligid ko.

Kailan ka ba darating? Sana'y ngayon na.
Gusto na kasi talaga kita makilala.
Nang itong mata'y hindi na lumuha pa,
At ang puso ko'y palagi na lang masaya.

Sana paggising ko, bukas ng umaga,
Mukha mo ang aking unang makikita
Yakap mo'ng aking unang madarama,
At doo'y wala na akong mahihiling pa.

Tayo'y tutulay tungo sa walang hanggan,
Hanggang sa matapos ang lahat ng kalungkutan.
Luha mo'y papawiin, ililigtas kita,
Laban sa mga taong maglalayo sa'ting dalawa.

Maghihintay, Magaabang pa rin sayo,
Hanggang sa araw na magisnan na ang mukha mo.
At kapag dumating iyon, masasabi ko ng ako,
Ang pinakamasayang tao, sa ibabaw ng mundo.

Wednesday, March 12, 2014
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Judea Mae Espanola

Judea Mae Espanola

Manila, Philippines
Close
Error Success