Nagtahan Poem by KINGJ KINGJ

Nagtahan

Matagal nang kakilala
Hindi lang napapansin
Sa Nagtahan ika’y nakita
At nag-iba ang aking pagtingin

Sa araw-araw nakikita
Sa telepono’y walang sawa
Lalo kang nakikilala
Tungkol naman sa kanya

Sa tulay tayo nag-sama
Nag-tawanan, nag-iyakan, at nag-drama
Yosi lang, inuman lang magdamagan
Siya lang pala ang trip mong pag-usapan

Sa tulay kita nakita
Doon ako sumama
Hanggang sa gitna umabot
Doon pala ako mahuhulog

Sa araw-araw nakikita
Sa telepono’y walang sawa
Lalo kang nakikilala
Tungkol naman sa kanya

Sa tulay tayo nag-sama
Nag-tawanan, nag-iyakan, at nag-drama
Yosi lang, inuman lang magdamagan
Siya lang pala ang trip mong pag-usapan

At sa baba ng tulay
Doon ako naghintay
Ngunit meron ka nang
Kahawak-kamay, ay laylay

Sana ako na lang
Ang pumirma sa mga liham
Sana ako nalang pala
Ako si Marvin, ikaw si Jolina

Sana ako na lang
Sana, sana

Sa tulay tayo nag-sama
Nag-tawanan, nag-iyakan, at nag-drama
Yosi lang, inuman lang magdamagan
Yan lang pala ang trip mong pag-usapan

Sa tulay (Nagtahan)
Sa tulay (Nagtahan)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success