Vonn Velarde

Rookie (December 23)

Nandito Lang Ako, Para Sayo - Poem by Vonn Velarde

Pag malungkot ka, papasayahin kita,
pag kailangan mo ng tulong, tutulungan kita,
sapagkat nandito lang ako,
para lamang sayo.

Pag inaapi ka nila, ipagtatanggol kita,
pag inaaway ka nila, aawayin ko rin sila,
sapagkat ayokong nakikita ka,
na umiiyak dahil sa kanila.

tawagin ka man nilang sinungaling,
maniniwala pa rin ako sayo,
kahit nasasaktan na ako,
ikaw lang ang paniniwalaan ko.

Ang gusto ko lang sa ngayon,
ay masabi ang lahat ng ito sayo,
masabi ang mga salitang ito sa tabi mo,
masabi na 'Nandito lang ako, Para sayo.'


Comments about Nandito Lang Ako, Para Sayo by Vonn Velarde

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, May 26, 2011



[Report Error]