Tila naubos nang lahat
liwanag na nasa langit
pati na rin ang buwan
ang kanyang sinag
tuluyan di ko na masilip
mga ibong maririkit
huminto sa pag awit
pati rin mga bulaklak
umayaw na mang akit
aanhin ko pa ba
magandang umaga
kung ikaw sa aki'y
ngayon ay wala na
katulad na lamang
sa araw na madilim,
ulap sa himpapawirin
di alam ang tutunguhin
tumulad na lamang sila
sa puso kong nanimdim
nang ikaw ay naligaw
at nawala na sa akin..
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem