Naroon Lang Poem by Minerva Agriam

Naroon Lang

Ano bang mayruon ka
Kahit sa panaginip ay nanduon ka?

Pilit mang limutin ka
Naruon ka lang, tinutukso ang isipan;

Bakit kahit sa pisngi nang ningning
Nang araw naruon ang iyong mga ngiti?

Pilit mang wakasan
Bumabalik din;

Naruon ka lang palagi
Kasama bawat umaga;

Paano baguhin ang sinag
Nang araw na sa iyo nakatingin?

Naruon lang sana ang iyong ngiti
Kasabay nang aking bawat umaga.


(5/1303. 10: 20 a.m)

Sunday, December 4, 2016
Topic(s) of this poem: nature
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success