Nasa Dulo Ang Huli.Una Ang Umpisa Poem by Ywnzirk Pen

Nasa Dulo Ang Huli.Una Ang Umpisa

Rating: 4.0

Nasa dulo ang huli.
Una ang umpisa.
Ito ang palaging hudyat ng bawat simula.
Dito may pananabik, kuryosidad, pagkatakot, kagalakan.

Pananabik sa panibagong karanasanan.
Kuryosidad sa bagay na hindi pa nalalaman
Pagkatakot bunga ng pagkawalang-muwang.
Kagalakan sa puso na hindi mapaliwanag.

Bawat libro nagsisimula sa unang kabanata
Bawat katauhan ay may pinagmulan.
Bawat isa ay may pinanggalingan.

Laging sa umpisa ay walang katiyakan
Nagaabang tayo sa kahihinatnan.
Sa wakas ani nila na may tiyak na kagalakan.

Ngunit bakit sa huli
Sa huling pahina,
sa huling hininga,
at sa huling bagsak ng mga paa.

Ay unti unting naaalala mga
unang pahina, unang pagdilat ng mata
at unang bakas na nagawa.
Kung saan may pananabik, kuryosidad, pagkatakot at kagalakan.
Nasa dulo ang huli.
Una ang umpisa.

Wednesday, October 5, 2022
Topic(s) of this poem: hindi,may
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
My first ever poem
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success