Ngiting Wala Poem by Princess Bernadette Anillo

Ngiting Wala

Hinuhukay ang kayamanan sa piging ng hinahon
Paglapit ng kanluran, isinisilang ang kahapon
At ang muli't muling pagkisap mata,
Dumadalaw sa pagluha
Walang pilit inaapi ang siyang hindi nagkusa
Iniwang magpipiga ng siyang sariling suka
Nangangasim sa pagngisi sa pisnging inaagusan
Hinila ang pagtulo at sa dulo'y natuyuan
Wala na ang hinaing, pagkat wala na ring pagsuyo
Ang pinagtusukan ng sariling karayom,
nagmarka ng panahunan
Sa isang ngiting walang silbi
isang ngiting walang ugnayan
Nagmistulang alingawngaw ang bulong tuwing gabi
Kapag nananawagan habang lihim na humihikbi
Di na kinaya pang daanan ang mga yabag
Kung ang tangi lang hangad ay ang kanyang halakhak
Sa ilalim ng unan, lumalawak ang mundo
Nabubuhay, nalilinlang habang di kumikibo
Sa utak nakamulat, sa kumot nakabaluktot
Giniginaw ang paa sa panaginip na malungkot
At di pa rin natatapos habang naglalakad
Walang batid na iniimpok ang galit sa hitad
Manhid man o nakabaon, tinitinik ang kalamnan
Sa ngiting walang saysay, kung ngipin ay iilan
Noo'y ngiting pikt, walang patay na kumakabog
At ngayo'y ngiting wala dahil binubugbog

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Princess Bernadette Anillo

Princess Bernadette Anillo

Brgy. Ambulong, Tanauan City Batangas
Close
Error Success