Noon pa bago isilang ang mga bituin
Noon pa bago unang umihip ang hangin
Noon pa bago ang dagat ay lumalim
Noon pa bago natatag ang bulubundukin
Noon pa bago lumipad ang mga ibon
Noon pa bago gumuhit ang kahapon
Noon pa bago uminit ang apoy
Noon pa bago ang ilog ay dumaloy
Noon pa bago umiral ang wala
Noon pa bago ang lahat ay nalikha
Noon pa bago ko ito kinatha
Umiral ka na sa puso ko at diwa
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem