Paalam Na Poem by Elj Cadz

Paalam Na

Kaibigan ikaw ang nasasandalan
sa mga problemang pinagdadaanan
kaibigan ikaw ang tanging nandyan
sa panahon na ako ay may pangangailangan.
walang iwanan sabi ko sayo
walang inlaban yan ang pangako ko
itinatak sa sarili hindi magbabago
sa mga daraan na panahon ikaw parin ang kaibigan ko.
Mahal kong kaibigan, hiling ko sa iyo
na sana'y sa pagalis mo ay maaalala mo ako
Ikaw may lumisan ngunit puso moy naiwan
sa akin magbubungad ang ala-alang iyon iniwan
Hindi lubos maisip kung bakit ka nagkariyan
ang mga pangyayari bakit ganyan
parang ang bilis ng iyong paglisan
naaalala ko pa ng tayo'y nagtataguan.
Wala akong magawa dahil ito'y tadhana
na mangyari itong nakakadismaya
baonin mo sana ang kabutihan mo
at ang mga bagay na sama-sama nating ginawa.

Tuesday, July 7, 2015
Topic(s) of this poem: love,elegy
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Just imagining..
COMMENTS OF THE POEM
Analiza Dechos 07 March 2019

so elegy gyud jess? i miss you: (

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Elj Cadz

Elj Cadz

Blanco, Balingasag, Misamis Oriental
Close
Error Success