Tuloy ang lakad kahit mainit
Nagsisikap makarating ang sambit
Mahirap man ang daan sadyang pumipilit
Kailangan ay huwag lamang maipit.
Inisip ko na sanang huminto na lamang
‘Pagkat mahirap ang ganitong kalagayan
Uhaw at gutom sa pagkahilo’y nagsabayan
Kahit anong gawi’y hindi matakasan.
Sa dagat tumawa ang malakas na alon
Tila wala ng balak humilom
Ngiti ng hangi’y makikitang ganun
Na parang ang banka’y nalito san paruroon.
Ang tricycle at jeep hangi’y di makasilip
Naghihingalo nga’t tumatakbong pilit
Usok na hininga’y nanunuot sumisiksik
Kasama’y alikabok naipo’t naging putik.
Sa paglalakbay ko’y pagod ang nadama
Nais kong umupo at magpahinga muna
Ngunit kahit munting kanlunga’y pinagkaitan pa
Ni walang mahimlayan parang wala ng pag-asa.
Minalas nga’t wala ng maisip
Pagtawid nga’y nasulit kahit pa anong init
Kabiguan ang dumating at umulan pagbalik
Kaya lahat nalang ng santo ay nasasambit.
Tunay na ganito ang hamon ng buhay
Pagsisikap at tiyagang may sipag ay tinataglay
Huwag lang manghina minsan ma’y sumablay
Upang hantunga’y maabot na may galak na tunay.
[14 April 2011, Calaguas, Camarines Norte.madero]
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem