Sa pagtatagpo ng mga ligaw na landas
Bunga'y pag-ibig na tunay at wagas
bagamat balakid buhat ay panibugho
mangyaring takasan pighati't siphayo
ang yaring puso'y naganyak sa sinta
ngunit sa dusta'y nakagapos tanikala
tanging asam, kahit dagliang paglaya
upang sa giliw paghanga'y maipadama
marahil sa pahimakas at napipintong paglisan
nakakubli na lamang sa aking isipan
ang dilag na irog nais sana'y sa kanlungan
sa dapit hapon ng buhay, naglahong tuluyan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem