Pag-Ibig Sa Tamang Panahon Poem by Sharon Grace Amarille

Pag-Ibig Sa Tamang Panahon

Pag-ibig na inaasam
Ito'y pinaghihirapan
Hindi masasabing pag-ibig ang isang bagay
Kung ito'y pinipilit na makamit ng madalian

Mga turo ng panahon
ay sadyang makatotohanan
Ang pag-ibig na pinaghihirapan
Sa tamang panahon makakamtan

Masarap ang umibig
Masarap ang may inspirasyon
Huwag lang minamadali
Lahat ng bagay ay may Tamang Panahon


Mga aral ng kahapon
Nawaý magsilbing daan
Upang ang pagmamahalan
ay maging makabuluhan

Thursday, September 22, 2016
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Sharon Grace Amarille

Sharon Grace Amarille

Embarcadero, Juban, Sorsoson
Close
Error Success