Pag-Ta-Ta-P-O-S Poem by Hazelyn Usop

Pag-Ta-Ta-P-O-S

PAGtatapos ay paparating na
Hatid ba nito'y ligaya o pangungulila?
Parang kailan lang ng bawat isa'y nagpakilala
Ngayon nakatakda ng magpaalam
Bukas ‘di maiiwasan ang iyakan

TAma na ang lungkot at panghihinayang
Pagkat pagtatapos ay kataga lamang
Mga nagdaang mahirap kalimutan
Dahil sa makabuluang pinagdaanan
Na nagdulot ng isang wagas na samahan

TAgumpay kung ito'y ituring
Bunga ng mga tiyaga at pagsisikap natin
Sa bukang liwayway sabay tayong kakaway
Sa panibagong yugto ng ating buhay
pagsisimula ang mahabang paglalakbay

Pagdating ng tinakdang araw
Bawat isa'y tatahak sa pangarap na tinatanaw
Lumipas man ito ng gaano katagal
Di maiiwasang magbalik tanaw
Sa nakaraangkailan ma'y di magugunaw

Oras na iyong maalala
Nakalipas na tuwa at pangungutya
Mga tampuan at suyuan sa tuwi-tuwina
Nagbigay lakas at tibay sa samahang pinag-isa
Mapapagaan nito ang anumang tindi ng pangungulila

Sa araw nang pagtatapos
Huwag hayaan puso'y nakagapos
Ang hakbang na ating nairaos
Gawing inspirasyon upang maabot
Mga pinapangarap natin ng lubos

Saturday, March 24, 2018
Topic(s) of this poem: graduation
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success