Paghanga Poem by perfecto pacheco

Paghanga

Ikaw ang iibigin ko
Kahit hindi batid ito
Nangangarap maging akin
Kahit sa panaginip ko

Alam kong di mangyayari
Magunaw man ating mundo
Paghanga lang naman
Ang inaaalay ko

Ngiti mong di malimutan
Tataglayin kahit saan
Pangakong di ka iiwan
Kasama sa aking dasal

Kasalanan ko bang umibig na Walang kahantungan
Patawarin nalang
Kung iyong malaman

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success