Paghilig Sa Mga Takipsilim Poem by Taritz Geronimo

Paghilig Sa Mga Takipsilim

Paghilig sa takipsilim ipinupukol ko ang aking mapanglaw na mga lambat
Patungo sa iyong maladalampasigang mga mata.

Doon sa pinakamataas na liyab ang aking kalungkutan ay humahaba at ang mga apoy,
Ang kanyang mga bisig ay nagbabagong animo’y sa nalulunod na nilalang.

Nagpahatid ako ng pulang hudyat sa tapat ng iyong liban na mga mata
Na amoy tulad ng dagat o ng dalampasigan sa may parola.

Itinatago mo lamang ang dilim, aking malayong lakambini,
Mula sa iyong pagpapahalaga minsan ang baybayin ng pangamba ay lumilitaw.

Paghilig sa takipsilim inihahagis ko ang aking mapanglaw na mga lambat
Sa dagat na iyang binugbog ng iyong maladalampasigang mga mata.

Ang mga ibon ng gabi ay tumutuka sa mga unang bituin
Na sumisiklab gaya ng aking kaluluwa kapag minamahal kita.

Ang gabi’y nakikipag-unahan sa anino nitong babaeng kabayo
Nagsasaboy ng bughaw na laso sa buong ibayo.


A Translation of:

Leaning Into The Afternoons

Leaning into the afternoons I cast my sad nets
towards your oceanic eyes.

There in the highest blaze my solitude lengthens and flames,
its arms turning like a drowning man's.

I send out red signals across your absent eyes
that smell like the sea or the beach by a lighthouse.

You keep only darkness, my distant female,
from your regard sometimes the coast of dread emerges.

Leaning into the afternoons I fling my sad nets
to that sea that is thrashed by your oceanic eyes.

The birds of night peck at the first stars
that flash like my soul when I love you.

The night gallops on its shadowy mare
shedding blue tassels over the land.

Pablo Neruda

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success