Iminumulat ang iyong mga mata
at ginigising ang iyong pandama
sa kagandahan ng buhay
habang pinapakita sayo
ang mga kabuluhan ng bawat bagay
sa mundong nilikha ng lumikha sayo
sa paglipas ng panahon ay dahan-dahan mong nalalaman
ang halag ng buhay mo, at ang iyong pag-iral
na siyang nagpapagalaw ng iyong pagkatao
Tinuturuan kang mangarap tungo sa isang bukas
na puno ng pag-ibig, pagsisikap, at pag-asang nagpapa-alab sa dahilan,
ng iyong pagsilang.
Abellon
20 Nobyembre 2015
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem