Pagtaliwan Poem by Minerva Agriam

Pagtaliwan

Sa pag-alis mo may isang iiyak;
'Wag kang mabahala pagtaliwan mo'y tanggap;
Dahil lahat na gugustuhin mo'y ikasasaya;
Nitong pusong sadyang maraya.

Karampot na pangarap ang tanging alaala;
Nagmula sa saya na dulot ng pagsinta;
Pagmamahal na ang tanging inidulot ay pagluha;
Ngunit sa puso ay walang pagtimping magawa.

Minsan ang pagawa ng tama at pagiging masaya;
Ay di kailan man maaaring magkatugma;
Kahit kailan man ay di maaaring pagyamanin
Ang pagiging tunay para sa isat-isa at magkapiling.

Sa pag-alis mo'y may isang pusong iiyak;
Wag kang iiyak pagtaliwan mo'y tanggap;
Dahil di lahat na gugustuhin ay tama,
Nitong puso na sadyang maraya.



(3/16/03. 1: 08 p.m)

Sunday, December 18, 2016
Topic(s) of this poem: separation
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success