Palad Ng Diyos Poem by Lance Abellon

Palad Ng Diyos

nabubuhay ako.


nabubuhay ako dala ng aking paghinga.


Humihinga ako dala ng Kanyang pagkilos,
gumagalaw ang aking mundo dala ng Kanyang paglikha.


naglalaon ang mga taon, nalalagas ang mga araw katulad ng dahong nanunuyo,

at nagiging bago ang paligid, dala ng pagkampay ng Kanyang mga palad


lumilitaw ang araw, at natutulog ang buwan,
habang mga bituin ay abala sa paghimbing
upang muling maghandang magbigay liwanag sa dilim na paparating,


oo nga, tayo ay buhay,
mapalad,


sa palad ng Diyos.


Abellon
01 Pebrero 2016

Thursday, February 11, 2016
Topic(s) of this poem: blessings,god,love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success