Papatayin Kita Sa Kilig Poem by Rey Benipayo

Papatayin Kita Sa Kilig

Alam kong may gusto ka sa akin
Di mo lang sinsasabi dahil nahihiya ka
Wag kang mag-alala, ok lang yun
Kung mahal mo ako, mahal din kita

Ipapadama ko sa'yo ang apoy ng pag-ibig
Na ngayon mo lang mararamdaman atmatitikman
Dahil papatayin kita sa kilig
Sa kada araw, oras at sigundo ng buhay mo

Mamatay ka sa kilig, sigurado yan
Dahil magaling ako at may experience
Dati yata akong Salesman at Cook
Kaya mag-iingat ka baka wala ka nang hanapin pa

Sila Piolo, John Lloyd at Empoy,
Wala yan, talo yan sa pakiligan
Ako yata ang number one sa kanila
Ako yata ang maraming hugot lines kaysa sa kanila

Hanahap hanapin mo ang kilig
Pag naging official na tayo dahil kaka -kakaiba ito
Di yan biro, cross my heart and hope to die,
Kaya sana, maging tayo na, now na please!

Thursday, May 7, 2020
Topic(s) of this poem: love,love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success