Ito ang una 'kong letra mula sa puso at diwa
Na magbubukas ng inyong mata hanggang sa huling kabanata
Tumutugma ang mga letra sa bawat patak ng mga luha
Mga mabigat na emosyon na dapat ng ibubuga
Marami nang nakakaranas na maputol ang relasyong iniingatan
Ikaw, ako, pati sila ay ilang ulit ng nasaktan
Pagka't ang pag-ibig ay hindi namimili ng biktima
Kailanman sa sinuman at kahit nasaan ka man
Hindi kayang hadlangan ng edad, bata man o matanda
Ito'y nasa responsibilidad tulad ng ama't ina
Kung alam mo na ang gagawin pag ika'y napaluha
Kung ano ang tama na at hindi lampasan ang sobra
Ito ang una 'kong letra mula sa puso at diwa
Na magbubukas ng inyong mata hanggang sa huling kabanata
Tumutugma ang mga letra sa bawat patak ng mga luha
Mga mabigat na emosyon na dapat ng ibubuga
Alam mo'ng hindi ako sanay na sumulat ng Pilipinong tula
Kaya pasensyahan mo na kung ako'y 'di masyadong nagtugma
Pero ibubuhos ko ang lahat hangga't maubos ang tinta
Ang mundong ito ay parang 'di totoo at tela walang sigurado
Pero mahal kita, 'yan ay totoo, sigurado, at hindi na magbabago
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem