Dwight Moody Bernardo

Rookie - 176 Points (October 22,1995 / Quezon City)

Para Saan? - Poem by Dwight Moody Bernardo

Ako'y may isang tanong...
Isang tanong, Para saan?

Ang ilang oras na paglalakad, wala namang pupuntahan.
Ang pagikot ng 'lang ulit sa iisang daan.
paghihintay, pagaabang ng walang kasiguruhan,
para lamang sa isang taong wala namang pakialam.
kaya't bakit ba kailangang
gawan pa ng paraan
pagtoonan at paglaanan
kung lahat naman ng 'toy pupunta lang sa kawalan
at ikaw ay maiiwang nagiisa't nasasaktan.
Kaya't maari nyong sabihin na ako'y isang mangmang
pagkat ang lahat ng 'toy... para saan?


Ginawa ang lahat para sayo'y maging Sapat lang
kahit tulad sa patlang, ang puso ko'y kulang kulang
at kailangang punan.
Kanilang tanong nga sa akin
'Pag laban mo'y hangang saan? '
At aking ulit ulit na sagot 'Ito'y walang hangan'
Kaya't maari nyong sabihin na ako'y isang mangmang,
ngunit ako'y masisisi ba sadyang nagmamahal lang.
Ngunit matapos ang lahat... Para saan?

Topic(s) of this poem: love, pain


Comments about Para Saan? by Dwight Moody Bernardo

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Tuesday, January 19, 2016



[Report Error]