Mahal kong Pilipinas
Kay gandang pagmasdan
Sa gitna ng dagat,
Animo'y Nakalutang!
sa aking panaginip
Ako'y nananabik!
Nais puntahan,
Bawat islang kumikinang!
Ngunit sa taong lumipas
Nang huling ganda'y namalas!
Isang kalungkutan,
Pilit hinahanapan ng Lunas!
Mga bundok ngayo'y nasisira
Kagubatang tila abo!
Lumuluhang mga ilog,
Mga Hayop naglalaho...
Huwag sanang kalimutan
Ang yamang bigay ni Bathala!
sana'y maisip natin,
Kinabukasan ng lupang sinilangan!
(June 15,2016)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem