Pulang Lupa Poem by DL Mondays

Pulang Lupa

Gumigising bawat araw ng madaling araw,
Upang gugulin ang araw sa ilalim ng araw

At nang aking mapagtamnan ang aking lupang sinasaka, na sa aking pamilya'y hanap buhay na nagbibigay ginhawa.

Ang tanging sa ami'y nagtatawid sa hirap at nagbibigay pagasa.
Kaya paano na lang kung lupa sa amin ay inagaw at pilit na ninanakaw? Paano na lang mga ginugol ko na araw! ?

Masasayang na lang ba naranasan kong uhaw at maghihintay nalang ba ako ng aking pagpanaw...

Kaya ako'y tumindig upang kanilang marinig aking sigaw at tinig.
Nawa nga'y sila'y makinig.

Ngunit anong ingay itong aking biglang narinig.
Tapos ang aking dugo ay sa lupa nadilig at ang aking puso'y nawalan ng pintig.

Lumipas mga araw at pagbabago'y hindi pa rin matanaw!
O bakit gan'to! ? Bakit gano'n! ? Walang pagbabago.
Ganoon pa rin ang tagpo.

Lumipas na nga ang mga panahon at marami na ang lumipas na taon.
Hindi ba nila nakikita iyon? Mga mata saan ba nakatuon?

Dahil aking dugo'y sumisigaw, humihiyaw para sa katarungan at ang sagot doon ay ikaw!

Kaya gumising ka't kumilos ngayon habang nandito pa ang pagkakataon.

Dahil aking dugo'y sumisigaw, humihiyaw para sa katarungan at sagot doon ay ikaw!

Thursday, June 23, 2016
Topic(s) of this poem: blood,death
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success