Rengga Poem by haidee blanche

Rengga

june 3,2008
2: 57 pm

Hinahabol kita sa mga linya ng aking balat
pababa sa aking dibdib kung saan huli kitang nakasama.
Sa ilalim ng kupas kong mga ala-ala
na may tuyong labi, at uyaying humihikbi,

sinusundo kita gabi-gabi sa aking panaginip.

sumusunod ng nakapikit
sinusuyod ang mga pagkakataong
may permisong magpahagip

at sinusundan natin ang balangkas
ng pagpaparaya, kaliwa't kanan nating
hinihiram ang pag-asa.

hindi makaimik
mga lungkot na isinisilid
bumubulong sa ihip
kung merong babalik

magtitiyagang lulundag lundag sa pahina
ng ating maiikling kwento, ikukurba ang pagaalala
sa nakaguhit mong mukha sa loob ng mga talinghaga

sumasabay sa taludturan
kahit umiiyak na hinihimlay
ang mga galos ng nagdaan
kusang lumalapag sa katotohanan

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success