Reyalidad Poem by jayson mirandilla

Reyalidad

Dadalhin kita sa mundo ng kasinungalingan
Dito mo makikita ang lahat ngkatotohanan
Hustisya binabayaran, alipin sa sariling bayan
Katarungan para lang ba sa mayayaman?

Mahirap makamit kapayapaan na hangad
Pag iisip makulit sa pagkilos ay makupad
Sistema na bulok dito tayo nakababad
Sa bawal ay lulong, kamalayan ay lumilipad

Madumi na ang laman, ng utak na malinis
Pilit tinatama para sa ugali na makinis
Maka-diyos ngunit tiwaling mga opisyalis
Hanggang salita lang pala talagang nakakainis

Buo mong tinanggap ngunit wasak kang iniwanan
Tao ay mapagpanggap, wag mong pagkatiwalaan
Konsensya kinalimutan, tinakwil ang kabutihan
Winaksi ang lahat para sa rurok ng kaligayan

Sarap ang hatid, dulot ng imahinasyong mapusok
Pighati lagi ang napupulot ng damdaming marupok
Mabubulaklak na salita galing sa tao na hayok
Ikaw ang makakalutas, sa hamon ng pagsubok

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success