Sa Aking Kabiyak Poem by Glenn Mark Amor

Sa Aking Kabiyak

Pag-ibig na nagmula
sa isang kapirasong papel,
inalay ang pagsuyong tapat
ligaya ko'y natagpuan.

Pag-ibig na nadarama
ika'y tuwina ang naaalala,
awit ng puso ko'y
tanging sayo lamang.

Pag-ibig ko kung minsa'y
dulot ay hinagpis at luha,
sa aking mga pagkakamali
sana'y iyong mapatawad.

Pag-ibig mo aking irog
kailanman di nakakaligtaan,
sagisag mo Mengit
nakatatak sa aking puso.

Pag-ibig mo'y isinalin
sa aking puso't isipan,
di kailanman mananakaw
magpahanggang wakas.

Mahal kita.



(Feb 14,2019)

Friday, June 28, 2019
Topic(s) of this poem: love,valentines day,wife
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success