Sa Aking Mga Mata Poem by Minerva Agriam

Sa Aking Mga Mata

Di mo ba nakikita
Sa aking mga mata,
Na mahal pa rin kita?

Minsan love na love kita,
Ngunit minsan naman
Ang sarap mong pingutin.

Pagkalipas ng mga sandali,
Kahit nagagalit,
Naaawa na sa iyo.

Gusto kitang yskapin,
Aamuin, tuturuan
Ng mga tamang gawain.

Ngunit sadyang ang hirap
Kapag di magkasundo,
Sa mga mithiin.

Palaging may mali,
Palagi kang naasar,
Palagi akong nasasaktan.

Di mo ba nakikita
Sa aking mga mata
Abg lungkot na nadarama?

Bulag ka ba o
Manhid lang talaga,
Nasasaktan din ako.

Ayuko na ng ganito;
Mas gusto ko palaging
Naglalambing tayo.




(10/08/04. 6: 50 p.m)

Saturday, December 24, 2016
Topic(s) of this poem: eyes
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success