Sa Aking Tala Poem by Jez Cuenta

Sa Aking Tala

Nang ikaw'y manaog sa tahanang langit
At sa sawing puso ay nagkusang lapit
Nilunasang husay pilat ng damdaming,
Nginungoyngoy lagi doon sa pampangin

Magbuhat ng ikaw, na talang marilag
Nagbidang liwanag sa diwang bagabag,
Umibig na akong abang nangangarap;
Sa taglay mong kinang na walang katulad

Tala ka't diwatang aking sinusuyo
Kung magbabalik ka ako'y magyuyuko
Hustong iaalay ito ay 'di Biro,
Buhay ng buhay ko O Tala ng puso!

Monday, September 9, 2019
Topic(s) of this poem: romanticism
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Tagalog romantic poems
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success