'Sa Biruan Nag-Umpisa' Poem by Dulce Vicente

'Sa Biruan Nag-Umpisa'

Rating: 4.5

Nagsimula sa biruan, harutan at lokohan
Napunta sa retohan, kantiyawan at tuksuhan,
Sa umpisa ay walang problema pero
bakit parang biglang naging kakaiba,
Yung tipong naging mahiyain at ayaw ng magbiro pa.
Damdaming biglang umusbong, pag-ibig ay bumubulong,
Anong klaseng pakiramdam 'to? Tugudog tugudog,
puso'y lumalagabog
Natatawa talaga ako.... pero isipan ay seryoso,
Bakit lagi kitang naaalala, isipan ay nababahala.
Lintik na biruan, puso ngayon ay nahihirapan,
Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan,
Biruan, sana'y di ko na pinatulan,
Saan ngayon hahantong ito? Saan na patutungo?
Hindi ko alam kung ano ang iyong nararamdaman....
Kung ikaw ba ay seryoso o ito parin ay isang biro.
Hindi ko lubos maisip kung bakit nagkakagulo,
Puso at isipan ay laging nagtatalo....
Yung dating hawak kong damdamin,
Ako ngayo'y ipinagkakanulo.
Isa lang ang dapat tandaan, ako'y hwag tularan,
Huwag na hwag magbiro kung puso ay sangkot
Baka ang kahahantungan ay hinagpis at lungkot....

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
This poem is really hilarious... ha! Ha! I didn't expect that just because I fool around with someone, in the end I fall in love with him... I'm not really sure if I love him by now but I do miss his messages and I always think about him..neah! ! ! ! so crazy....
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success