O kay sarap mabuhay
lalo't may salapi na
kasama pa ang minamahal.
Maniniwala ka ba sa akin
na ang mga katagang mamahalin kita
sa hirap man o ginhawa
ay nakatago na sa baul?
O kaysarap mabuhay
lalo't sa iyo'y may magmamahal
sa hirap man o ginhawa.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem