Sa Kanyang Muling Pagkagising Poem by Rey Benipayo

Sa Kanyang Muling Pagkagising

Sa araw na ay ito
Ay tila isang delubyo
Sa palibot ng bulkang ito,
Maraming bayan ang malilibing
Sa nagbabagang lupa,
Sa naglalakihang bato
At maging sa maitim na abo
Kung di man mapaghandaan
Kung di man maging alerto,
Maraming buhay ang maaaring makitil,
Tao at mga alagang hayop!
Kung gaano katagal
Ang himbing ng tulog niya
Kung gaano katagal mang
Inakala ng marami
Na patay na siya,
Maaring ganoon din siya kabagsik
Ang aral ng nakaraan
Nawa'y wag kalimutan
Nang di na mabigla sa muli niyang pagising!

Sunday, January 26, 2020
Topic(s) of this poem: warning
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success