Sa araw na ay ito
Ay tila isang delubyo
Sa palibot ng bulkang ito,
Maraming bayan ang malilibing
Sa nagbabagang lupa,
Sa naglalakihang bato
At maging sa maitim na abo
Kung di man mapaghandaan
Kung di man maging alerto,
Maraming buhay ang maaaring makitil,
Tao at mga alagang hayop!
Kung gaano katagal
Ang himbing ng tulog niya
Kung gaano katagal mang
Inakala ng marami
Na patay na siya,
Maaring ganoon din siya kabagsik
Ang aral ng nakaraan
Nawa'y wag kalimutan
Nang di na mabigla sa muli niyang pagising!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem