Saan Man Mapunta Poem by Jesus Diaz Llorico

Saan Man Mapunta

'Saan man mapunta at saan mapatingin
Ipikit man mga mata at damhin ang hangin
Hindi mawaglit ang nagdaang pag ibig
Na nag iwan ng kirot sa abang dibdib

Mga nakaraan na kay sarap balikan
Na ginagawa lagi noong kabataan
Panay sulyap kapag hindi nakatingin
At bigla ang bawi para hindi mapansin

Na sa araw at gabi laging nasa isip
Hindi makatulog sa tindi ng pag ibig
Kapag makita ay sadyang nakakakilig
Gandang taglay talagang nakakabilib

Mga napilas na dahon ng kasaysayan
Na isinulat at binigyan ng konting buhay
Lubos na pasalamat sa ligayang naibigay
Sa tuwing maalala nawawala ang lumbay

Ngaun matanda na at marami ng uban
Kaya buhok nilalagyan ng itim na kulay
Para kapag mailagay sa picture profile
Aani ng comments na akala mo ay tunay

Ang tanging layunin maiugnay ang nakaraan
Sa pangyayari ngaung kasalukuyan
Lumipas man ang panahon ay laging dala
Sa isip ang ngiti at maganda niyang mukha

Kaya kung minsan kapag maglakad sa gabi
At maisip itong makata ng kahit sandali
Ituon lang sa taas ang matang mapang akit
At siya'y makikita na nakangiti sa langit.'

Wednesday, August 13, 2014
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success