Sandipa Poem by Raymus Excalibur

Sandipa

Nanlilimahid ang dati’y kislap
Na sumibol sa panglaw na buwan
At tagistis ng maningning na sikat
Ng araw, ngayo’y alipin ng kalupitan.

Nanlulumo ang nag-alagang kamay
Kasabay ang pusong nag-uumapaw
Sa hinanakit at lumbay…
Nabulag ang tuwa, salat sa tighaw.

Puso’y naging bakal at bihag ng lungkot
Sa dukhang palad na sa kanya’y kumupkop
Kasama ang dunong na nalunod
Sandipang pangarap, sa apoy lumubog.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Raymus Excalibur

Raymus Excalibur

Pangasinan and Benguet
Close
Error Success