Ang mundo ng mga bagong sibol ay mahirap masawata,
Tulad ng hanging di mapigil.
Kayhirap itago ang gunita ng suyuan,
nakababagot isipin ang mga sandali ng pagpapaalam;
Ang mga panahong may naglalaho at may nagbabago…
At ang katotohanang di na maaaring ibalik ang mga ngiting bumihag sa damdamin.
Subalit, sino nga ba si Segunda Katigbak sa buhay ni Rizal?
Ito lamang ang alam kong sagot:
Isang nakapanlulumong karanasan,
Isang mapait na kasaysayan,
Isang kwentong hindi natapos.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem