'Sa isang okasyon unang nagkita
mga ngiting kay sigla at matang kay ganda
at sa kalaunan nalaman nating dalawa
ang dahilan kung bakit nagkakilala
ito ay dahil sa pinagbuklod na tadhana
kaya ating mga puso ay pinagsama
Subalit 'di nagtagal at nagkahiwalay
kaya naiba ang takbo ng buhay
ang dating pag-ibig na sa'yo inaalay
kusang naglaho sa aking mga kamay
kahit napunta sa malayo ay nasanay
na sa puso habang buhay sa'yo binigay
Sa pag iisa lagi kang naaalala
ang pangarap nung tayo magkasama
ating nakaraan laging ginugunita
nabubuhay sa ilusyon kapag may problema
kahit masakit ang bigay ng tadhana
tinatanggap ng puso kahit nagdurusa.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem