Tahak Ko 'To Poem by Desay Paz

Tahak Ko 'To

Sa unang hakbang ko palang
Alam ko ng maaabot ko 'yon
Ang ngiti sa aking mukha
Ay tatak ng kaligayahan

Dumaan ang sandaling
Ako'y medyo napaisip na
Kaya ko ba?
Maaabot ko kaya?

Sa pagdaan ng araw-araw
Bumigat na ang kalooban ko
Higpit ang aking pagtahak
Ngunit parang ako'y nakatayo parin.

Hindi ko pa alam kung anong angulo ko
Magniningning kaya ako gaya ng bituin?
Na kahit malayo't tinitingalaan parin?

Hindi kaya ako magiging isang araw?
Na kapag lalabas na't, gumagamit ng panakip
Dahil ayaw itong masilip at di gustong tingnan manlang? !

Nangarap lang naman ako di'ba?
Pangarap ko para sa bukas ko!
Na pinapangarap ng mga magulang kong marating ko!
May kulang pa ba sa ginagawa ko?

Hindi pa ba sapat na nag-aaral ka kahit dapat natutulog kana?
Hindi pa ba sapat na dapat kumain ka na pero nagbabasa ka pa?
Hindi pa ba sapat na nagbibigay ka ng maluwag na oras para maintindihan mo lang?
Hindi pa ba sapat 'to? Hindi pa ba? Hindi pa ba?

Sa taas ng tinahak ko
Gusto, kong balikan 'yong unang hakbang ko
Ang ngiti kung walang pinipintang sakit sa mga mata ko...
Na ang mga mata kung nagniningning pa gaya ng maga ngiti ko...

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success