Takasa # 1 - Kapakumbabaan Ni Cristo (Humility Of Christ) Poem by Yehoshua Shim'onai

Takasa # 1 - Kapakumbabaan Ni Cristo (Humility Of Christ)

Dapat magpakababa
At maglingkod sa iba,
Pasanin 'yong kalbario
At tularan si Cristo,
Tunay at likas na Dios
Ngunit 'di inari'ng kadaklan,
Ang Hari ng ouranos
Na hinubad kalwalhatian,
Sia na Dios na bumaba
Bilang Anak ng Tao,
Hirap ng alipi'y kinuha
At sumunod hanggang napako
Kaya't Sia'y dinakilang lubos
At sa lahat Sia ay inungos
Na ang lahat Sia'y luluhuran
At si Cristo'y pananambahan.

(Meekness must be accepted
And into serving be led,
Carry your cross, you Christian
And imitate Christ the Son,
Though, in being, God truly
But His glory He did not held on,
Reigned over heavens Kingly
But His majesty He abandoned,
God Himself who descended
To become a son of man,
Grasped servant-hood to be afflicted
And up to the cross was compliant
Therefore, He was glorified greatly
And o'er all, given authority
That for Him, to knees, all will be on
And to Christ be all adoration.)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success